Bakit nga ba napaka sakit
Sa tuwing maaalala ang mag pasakit
Ng iyong paglisan
Kami’y iniwang luhaan.
Nakita kong ika’y nagdusa
Sa sakit na tila ba parusa
At unti-unti kang kunuha
Ng langit habang kami’y lumuluha.
Ina kami’y inaruga
Minahal at pinuno ng pag-aalaga
Ng walang alinlangan
At walang katapusan!
Sapagkat ang iyong tanging nais
Aming makamtan ang bawat tamis
Ng karangyaan di mo natikman
Mula sa hirap na iyong nakagisnan!
Ngunit kami’y naging bulag
Binalewala at hind nagmatyag
Sa bawat hirap mo’t pasakit
Dala ng dakila mong pagmamalasakit!
Alam kong hindi na maibabalik
Ang nakaraan kahit anong pilit
Ngunit ang pag-ibig na inukit
Sa aming puso’t isip
Kailan man, kahit kanino’y hindi maipagpapalit!
No comments:
Post a Comment